Walang Maisip
June 29th, 2008 by christian-montefrioAng mga sumusunod na kabanata ay isang tuloy-tuloy na daloy ng aking pag-iisip lamang. Walang edits, walang proofread. Ginawa ko ito, pagkagising ko kahapon ng umaga.
~0~
I’ve been wanting to write lately. But my mind has been battling between procrastination and work. Haaay… I’ve got several topics pa naman on my mind which I like to share with you guys.
First up is my progression to Senior 3. But I thought that I’ve already written about it, though in brief, in one of my posts here. Eh ano kaya kung yung increase ko na lang ang isulat ko? Hmmm… Medyo sensitive topic ang tungkol sa salary, especially that a lot of people are reading this blog (naks! as if!). Okay, all I can say is I am soooo happy with what has been given to me.
Hmmm… ano kaya kung tungkol sa stress at pressure na lang ang isulat ko? Wag na lang din, kasi baka lalo lang akong ma-stress. Ang hirap din ng pagkapromote ko, este progression pala (iba daw ang promote at progress, promote is from one title to the other, while progress is from one level to the next in the same title, gets?). Everyone, I think, is trying to watch and gauge me. It’s as if everyone is testing me if I deserve what I got. Well, ’nuff said, don’t dwell on energy-wasting thoughts.
Eh ano kaya kung tungkol sa kayabangan ang pagusapan natin? Hmmm… I’ve been really wanting to write about someone I know and his very arrogant way of dealing with people and life in general. It’s as if he knows everything. Naiinis na nga ako minsan. Pero pag naiisip ko na baka puro negative things lang ang pwede kong masabi, which I may regret in the future, pinapalipas ko na lang. Mahirap na if it’s in black and white, may evidence. Hehehe…
Eh kung tungkol kaya sa Philippine History na lang kaya ang isulat ko? I was able to watch some very vintage clips about the Philippines in Youtube. Sobrang napaka-nostalgic ng feeling… you know, seeing girls in their baro’t saya and men in their barong or americana (most vids were taken during the American era). Parang napakasosyal tingnan ng Maynila. Naisip ko lang, kung tutuusin, Manila is older than Sydney, Toronto, and even some other cities of the new world. Pero anong nangyari sa bansa natin? Why is it that the Philippines was left in rubbles when the US who was a major player in WW2 was left unscathed? Hmmm… What a wise way of waging war… bringing it to the Far East and sparing their ‘land of the free and home of the brave.’ Hmmm… just like what their doing now in Afghanistan and Iraq. I hate to say this… but I now hate US, at a certain level.
Okay, I don’t want to dwell on that too much either. I don’t want this entry to sound very bitter and hateful. Ano kaya kung yung tungkol na lang kay Frank ang pag-usapan natin? Yeah, the super typhoon that hit Manila the past week. Napansin ko lang, the typhoons that been hitting the Philippines (or even in other parts of the world) have been becoming very strong lately. Remember Milenyo? Oh my, how can I forget that. That bagyo resulted to pagbaha in San Pedro. Nakakainis! And to think, it’s only a 3 days before I left for Canada! Bwisit talaga yun. Ngayon naman etong si Frank eh napinsala ang Iloilo. Nandun pa naman si Papa. Medyo hirap ngang makontak si Papa, dahil wala silang kuryente dun. Wala rin daw silang tubig. At pati yung tulay nila papunta ng city is nasira. Grabe! I was able to chat to a friend who came from Aklan. Ganun din daw ang nangyari sa kanila, and first time daw talaga yun, kaya hindi prepared ang mga tao.
Naalala ko tuloy yung first time kong nakaranas ng baha. October 2001 yun. Brownout na, malakas ang ulan at hangin dahil sa bagyo, masarap matulog, kaya ayun plakda na ako sa papag ko (yes, papag, dahil lately na langa ko nagkaroon ng kama). Aba biglang nagkagulo, akala ko panaginip lang. Pagmulat ko ng mata ko, eh may tubig na ang kwarto naming magkakapatid, akala ko naman eh panaginip pa rin at natatawa pa nga ako nung una. Aba! Totoo pala. Dahil walang second floor ang bahay namin, hirap na hirap kami nung mag-save ng mga gamit namin. Buti na lang may bunk bed yung mga kapatid ko kaya dun namin nilagay sa kama ni Hazel yung ibang gamit. Ay ayoko na talagang babahain! Ang hirap! Ang hirap mag-akyat ng gamit, at ang hirap din maglinis.
Hmmm… mukhang napapasarap na ako sa kakatype ah. O siya iderecho na lang natin to.
Kung tungkol naman kaya sa showbiz ang pag-usapan natin. Ay wag na lang, malamang eh mas updated kayo kesa sa akin. Ay eto lang sasabihin ko lang na natapos na pala ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita! Hahaha! Oh yes, nanonood ako niyan courtesy of reliable uploader in the net. Kakapanood ko lang pala kanina ng Pinoy Idol, from the same uploader. I root for Robby Navarro and Penelope. Guys in the Phils, vote for these two! Okay?
Hmmm… tungkol naman sa mga kanta ang pag-usapan natin. For quite some time eh paborito ko ang Low ni Flor Rida. Hehehe… Sobrang danceable kasi, kaya kapag naririnig ko eh hindi ko mapigilan mapaindak. Hahaha! Isama mo na rin diyan ang mga beats from Justin Timberlake. Grabe parang gusto kong sumayaw kahit nasa train ako. Lately naman eh bumabalik ako sa mga OPM at sa mga old pop songs. I’ve been craving for I’m Yours by Jason Mraz (sobrang nakakainlove yung melody), Things will go my way ng The Calling (favorite ko sila, pero wala na sila eh) at sa Set You Free ng Side A. Let me explain kung bakit…
May mga kanta na kahit hindi mo nakabisa eh gusto mo. Yung mga tipong pag pinakinggan mo eh matutuwa ka pero di mo malaman ang dahilan. Yun ang binibigay sa akin na feeling ng I’m Yours. Ewan ko kung narinig niyo na yun, pero sa lumang album pa ni Jason Mraz yun eh. Yung Things Will Go My Way naman eh sa sobrang lumang album na rin ng The Calling. Pero minsan kasi may mga kanta na sobrang meaningful ng lyrics, sabayan mo pa ng pagkanta na may conviction, ay panalo talaga. At yun nga ang kantang Things Will Go My Way. (Kendz, dinededicate ko din sa’yo ang kantang yan… Thing will go your way, just believe. And remember, when you claim it, you’ll have it!) At yung pangatlong kanta naman eh… hahaha! Wala lang, may naaalala lang kasi ako. Tapos na ang dinner sa isang restaurant sa Roxas Boulevard. Halos di ko nakain ang pagkain ko dahil sa mga bagay-bagay na pinagusapan namin. Nagyaya siyang maglakad-lakad para lang sabihan akong magsalita ako! Eh hello naman, matapos mong marinig ang mga bagay na ayaw mong marinig eh makakapagsalita ka pa ba? Lakad lakad. Mahangin, pero mainit ang pakiramdam ko. Maraming tao pero pakiramdam ko mag-isa ako, kahit siya hindi ko maramdamang kasama ko nun. Tapos may nadaanan kaming kainan, eto ang pinatutugtog. Background music kung background music!!! Hahaha!!! Corny na siya ngayon pero dati sobrang… sakit?! Kapag nabasa mo ‘to (kilala mo na kung sino ka) baka matawa ka lang. Parang ako ngayon na natatawa sa mga pinaggagawa ko dati.
Ay! Lilipat na pala ako ng bahay. Anytime, pwede na, kasi nasa akin na ang susi ng bago kong flat. Sa next entry ko na lang kayo kekwentuhan in detail tungkol dito. Sasamahan ko na rin ng pictures. =)
Aba, akalain mo nga namang ang haba na pala nitong nasulat ko. Sabi ko pa naman nung una ay hindi ako makaisip ng isusulat. Sabagay, minsan ganun naman talaga eh, minsan kailangan mo lang umpisahan, tapos tuloy tuloy na.
And for my parting words (talagang may ganun?!?), I would just like to thank the WiseGuy for not letting me go, kahit na sometimes I let go of Him. Thanks WG for all the things that you’ve done. You know I love you. Hope you’ll still love me kahit na minsan eh nagiging alibugha ako. Oh well, sabi nga nila, every relationship is a work in progress. And I guess, even the relationship with WG is the same.
Adios damas y caballeros!