Here’s the last part of my four-part story. Sorry if I wasn’t able to post this yesterday. I was so overwhelmed by my visa approval, I forgot about everything else… Hahaha!!! =D
~0~
“Excuse me Miss, is Mrs. Torres still there?”
“Sir, she just left a few minutes ago.”
“Oh I see. Who’s in the office right now?”
“I believe Ms. Dhalia is in the office.”
“Dhalia Vergara?!?”
“No Sir, Dhalia Mendoza.”
“Ah ok! Dhalia Mendoza. Can I talk to her?”
“For a while Sir, I’ll ask her.”
Sobrang na-excite ako. Makikita ko si Dhang! Kamusta na kaya siya? Makulit pa rin kaya? Mendoza na pala ang apelyido niya.
“Sir, sige po pasok na po kayo sa office.”
“Thanks, Miss…?”
“Jen Villaruel Sir.”
“Thanks Jen.”
Pumasok na ako sa office nina Dhang.
“Dhang?”
“Tarabu!!! Kamusta na?”
“Ito okay naman. Ikaw kamusta na? Mrs. Mendoza ka na pala ngayon ha. Kaya lang maliit ka pa rin! Hahaha!”
“Hoy! Kahit maliit ako, maganda naman. Nasabi nga nina Kat na pumunta ka dito kanina eh. Bakit ka bumalik? May naiwan ka no?”
“Nandito ba? Dito ko ba naiwan ang phone ko?”
“Opo. Ano ba yan? Ang laki-laki na, nakakaiwan pa rin ng celphone! Pero in fairness, ang payat mo ngayon ha.”
“Uy, thank you!… Sandali, anong trabaho ni Jen dito?”
“Aba! Pa’no mo siya nakilala? Ian ha…”
“Tinanong ko yung pangalan siyempre. Sa kanya ako nagtanong kung sinong tao dito eh, so nung nag-thank you ako, tinanong ko na rin ang name niya. Anong work niya?”
“Branch Manager. Uy! Interesado! Okay lang, dalaga pa yun.”
“Hindi ko naman tinatanong ah.”
“Sus! Yung mga ganyan mo alam na alam ko na.”
“Sandali, kamusta na nga pala si Jho?”
“Si Jho? Naku ang daming pag-aaring bar nun. Sa Malate meron, sa Makati at QC meron din.”
“Talaga? Kamusta na sila ng husband niya? Ilan na baby nila?”
“Going stronger and stronger pa rin sila ni Davied. Apat na nga ang anak nila eh. May anak ka na rin daw sabi ni Beth, pero walang asawa.”
“Oo, divorced na kasi kami eh.”
“O yun! Tamang-tama, pwede mo ng ligawan si Jen!”
“Tumigil ka nga diyan! Baka matukso ako! Hahaha! … Sige na Dhang, I mean Ms. Mendoza, I’ll go ahead na. Naghihintay na si Matt eh. Nice seeing you again.”
I finally decided to go back home. Nagpasundo ako sa brother ko. Its been a long day! Ang daming nangyari. Parang kulang pa nga eh.
We finally arrived in Laguna Bel-Air. Dito na nakabili ng bahay ang pamilya namin. Plano ko na nga ring dito na lang kami ni Matt sa Pilipinas eh. Tutal nakaipon na din naman ako.
Habang papasok ang kotse sa village di ko mapigilang mapangiti. Nakita ko lahat ng mga kaibigan and I was able to catch on the latest buzzes about them. And, of course, aside from that, I was able to rekindle the memories I shared with them.
It’s been fifteen years since we’ve graduated… its good to know that we are doing very well in the respective paths we chose to take. I just hope that the legacy of the worst block (if there is any) will flourish in our children, and our children’s children.
- Wakas -